Sunday, June 21, 2009

Maitim ang CHARTER CHANGE!!!

Ang Charter Change ay isang lason ng lipunan na nagnanais magkalat ng kasamaan sa ating bansa. Ang charter change ang maaring maging dahilan ng matinding korapsyon, maaring mawala ang karapatan ng bawat mamamayan at magkaroon ng matinding kahirapan sa ating bansa.

Maraming nagmamahal sa ating bansa. Sa totoo lang, mayaman sa mga likas na yaman ang Pilipinas. Ngunit, kung baga sa isang ginto, ito ay unti-unting naglalaho dahil sa matinding pagnanakaw sa ating lipunan.

Sa panahon ngayon, sumisiklab na naman ang kasamaan ng Pangulong *toot*. Isang pangulong mangkukulam, kasama ng kanyang asawang aswang na walang ninais kundi ang pera ng mga mamamayan. Nais nila magcharter change sapagkat, malapit na matapos ang kanyang termino at hindi niya ito matatanggap.

Libu-libo o baka milyon nang mga pamilya ang nababaon sa matinding kahirapan dulot ng Con-Ass. Ang mga kongresistang nagnanais ng proyektong ito ay nagaasam din ng kayamanan gamit ang mga maiitim na balak!

Ako ay isang kabataan na walang ginawa kundi manood lamang ng telebisyon. Hindi ako sumasama sa mga rally ngunit ang blog na ito ang gusto kong maging daan sa pagbabago. Ang blog na ito ay sumisigaw at nakikiisa sa libu-libong tao dito sa Pilipinas na umaayaw sa CHA-CHA at Con-Ass!

Ang aming pahayagang The Paulinian, bagamat hindi makapaglungsad ng isang adbokasya ukol sa isyung ito, ang mga editor at kasapi ng grupong ito ay may iba't ibang sigaw ukol sa Charter Change.

Bilang isang Pilipino, ako ay labis na nalulungkot sapagkat ang mga lider ng lipunan ay naghahangad lamang ng pansariling ginhawa. Ika nga sa awitin ng Kamikazee "AKO muna bago KAYO" at "Katatakot na kurakot ang INYONG matitikman."

Sa aking palagay, ito ay isa ng babala sa bawat mamamayan ng Pilipinas. Matuto tayong mangialam, matuto tayo magtanong, matuto tayong mag-aaral upang ang kasakiman ng mga pinuno ng Pilipinas ay humantong na sa katapusan.

No comments:

Post a Comment